Hindi maaaring limitahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang bilang ng mga kandidato sa pagkapangulo batay sa kanilang pagkakataong manalo.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, dapat subukang palawakin ang democratic space sa halip na kontrahin ito.
Aniya, isa ito sa pinakamalaking problema dahil maraming tao ang nagsasabi na dapat limitahan ang kandidato sa isa o dalawang taong karapat-dapat.
Dagdag pa ni Jimenez na sa ilalim ng saligang batas, lahat ay may karapatang tumakbo kung matutugunan nito ang mga kundisyon tulad ng pagpapakita ng lehitimong layunin at kakayahan na tumakbo para sa isang pampublikong posisyon.
Nabatid na mayroong siyam na kandidato sa pagkapangulo sa darating na Halalan sa Mayo 9. – sa panulat ni Airiam Sancho