Inaresto ang isang delivery boy at dalawang iba pa makaraang mahulihan ng nasa P40K halaga ng umano’y ipinagbabawal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa 29th Ave. Barangay East Rembo, Makati City.
Kinilala ng (SPD) Southern Police District ang mga suspek na sina Elizer Fernandez, Mely Rose Peña, at Warley Fernandez, pawang mga residente ng lungsod.
Maliban sa P500 buy-bust money, nakumpiska rin sa operasyon ang higit P36K na hinihinalang shabu at higit P300K halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Nakakulong na ngayon ang mga suspek sa station custodial facility ng Makati PNP habang inihahanda ang kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act laban sa mga ito.