Hinoldap ng isang lalaki ang isang E-sabong betting station sa Rosario, Cavite matapos umanong maubos ang kanyang pera na P200,000 sa kakatalpak.
Kinilala ang suspek na si Christian Rodriguez, nakatira sa nasabing lugar.
Ayon sa pulisya, tinangay ni Rodriguez ang P380,000 na cash mula sa MJR betting station sa Barangay Bagbag 1.
Inihahanda na ang kaukulang reklamong isasampa laban sa suspek.