Inilunsad na ng Anti-Red Tape Authority ang E-ARTA ang complaints management system o CMS na mula sa Multisys Technologies Corporation.
Layon nito na i-automate ang mga proseso at maabot ang zero backlog sa mga reklamo na natatanggap ng ahensya galing sa taumbayan hinggil sa serbisyo ng gobyerno.
Kasama sa key features ng CMS ay ang electronic ticketing system, paperless complaint filing, cloud storage para sa back-up at SMS notification para sa mga magsusumite ng reklamo.
Samantala, ang paglagda sa deed donation ay pinangunahan ni ARTA director general secretary Jeremiah Belgica at mga opisyal ng naturang korporasyon.