Pinaghahanda ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pamahalaan sa mga posibleng matitinding kalamidad na maganap sa bansa.
Ayon kay Phivolcs Chief Renato Solidum, dapat maging maagap ang pamahalaan sa mga matitinding kalamidad, katulad ng nangyaring pagputok ng Taal noong 1965.
Kahit anong alert level ang mayroon ang bulkan, posible pa rin ang maliliit na pagsabog kaya patuloy ang pagmo-monitor sa mga aktibidad nito.
Samantala, naniniwala si Solidum na dapat magkaroon ng long-term development plan para sa mga nakatira sa paligid ng taal upang maiwasan ang malalaking trahedya.
Sa huling tala ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, mahigit 5,800 na mga naninirahan ang kinakailangang ilikas mula sa paligid ng bulkan.—sa panulat ni Abby Malanday