Gugunitain na ngayong linggo ng Department of National Defense (DND) at Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) ang Philippine Veterans Week.
Magaganap ito mula Abril 5 hanggang 11 na may temang “Kagitingan ng mga Beterano, Inspirasyon ng Nagkakaisang Pilipino.”
Sisimulan ang programa sa Abril 5 sa pamamagitan ng isang Sunrise Ceremony sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Susundan ito ng pag-aalay ng bulaklak sa Tomb of the Unknown Soldier na pinangungunahan ng Commanding General ng Philippine Army.
Sa Abril 7, magkakaroon ng “tribute to all filipino heroes” sa Filipino Heroes Memorial Corregidor Island sa Cavite.
Ang ika-80 Araw ng Kagitingan Celebration sa Abril 9 ang tampok sa tradisyunal na pinangungunahan ng pangulo sa Mt. Samat National Shrine sa Pilar, Bataan.
Ang “Paggunita sa Capas” sa Capas National Shrine, Tarlac ang isasagawa sa Abril 10.
Opisyal na magtatapos ang Philippine Veterans Week sa “Sunset Ceremony” sa Abril 11 sa Libingan ng mga Bayani. —sa panulat ni Abby Malanday