Hindi pa tiyak ng Department of Energy (DOE) kung magkakaroon ng taas-presyo sa Liquified Petroleum Gas (LPG) sa mga darating na buwan.
Ayon kay Rodela Romero, Assistant Director ng Oil Industry Management Bureau ng DOE, hindi kagaya ng lpg ang gasolina, diesel, at kerosene na lingguhan ang paggalaw ng presyo.
Sa LPG kasi aniya ay buwanan ang nagiging paggalaw.
Nitong Abril a-uno, tumaas ang presyo ng LPG sa bansa bunsod ng pagtaas ng demand sa West Africa at South Korea. – sa panulat ni Abby Malanday