Posibleng tumaas ang inflation rate sa Pilipinas ngayong Marso.
Ayon kay Michael Ricafort, Chief Economist ng Rizal Commercial Banking Corporation, may posibilidad na umakyat sa 4.4% ang inflation ngayong marso mula sa 3% nitong Pebrero.
Bunsod ito ng pandaigdigang taas-presyo ng enerhiya at ibang commodities dahil sa pananakop ng Russia sa Ukraine.
Maaari namang pumalo sa hanggang 4% ang Consumer Price Index (CPI) dahil sa paghina ng piso kontra dolyar. – sa panulat ni Abby Malanday