Ikinokonsidera na ng gobyerno ang paglalagay ng anim na buwang expiration sa mga vaccination cards sa bansa.
Ito ay upang makumbinsi ang publiko na magbaturok na ng booster shot bilang karagdagang proteksiyon laban sa COVID-19.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) undersecretary Epimaco Densing III, isa ito sa mga ikinokonsidera ng pamahalaan upang mas marami ang maturukan ng booster shot.
Hanggang nitong Marso 30, nasa 65,885,048 na ang fully vaccinated sa bansa, kung saan 12,018,418 ang nakatanggap ng booster shot.