Itutuloy ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang imbestigasyon sa ukol sa 34 na nawawalang mga sabungero at operasyon ng E-sabong pagkatapos ng Holy Week.
Ayon kay Committee Chairman Senator Ronald Bato Dela Rosa, may mga tanong pa sila o gustong maliwanagan at mayroon pang mga resource person na dapat maiprisinta at makapagbigay ng testimonya hinggil sa kaso ng iba pang nawawalang sabungero.
Nabatid na magpapatuloy ang kanilang ika-apat na pagdinig sa Abril a-18.
Samantala, kumbinsido naman si Dela Rosa na sa ngayon ay maituturing na illegal ang operasyon ng E-sabong dahil wala pang batas hinggil dito. —sa panulat ni Mara Valle