Inialok ni dating presidente Joseph ‘Erap’ Estrada ang kaniyang sarili na maging campaign manager sakaling maisipan na muling tumakbo sa nasyunal na posisyon ng kanyang kapwa dating pangulo na si Gloria Macapagal-Arroyo.
Ito ay matapos magkita ng dalawa sa pagbisita ng UniTeam sa Lubao, Pampanga kasabay ng pagbati para sa ika-75 kaarawan ni GMA.
Bagamat walang tugon sa alok ni Estrada at pinasalamatan naman ito ni Arroyo at binati na rin sa kanyang paparating na ika-85 kaarawan sa Abril a-19.
Matatandaang si Arroyo ang naging bise presidente ni estrada noong 1998 kung saan sa ikatlong taon pa lang sa kanyang termino ay napatalsik si erap dahil sa kasong katiwalian.
Matapos mapatalsik ni Erap ay naging pangulo na si Arroyo taong 2001 at nanalo pang muli noon 2004 kung saan naging pangulo ito hanggang 2010. — sa panulat ni Mara Valle