Ipinagpaliban ng Korte Suprema ang paglalabas ngayong araw na ito ng resulta ng 2020-2021 Bar Examinations.
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Brian Keith Hosaka, ilalabas nila sa April 12 ang resulta ng pagsusulit dahil humingi pa ng Special En banc Session si Associate Justice Marvic Leonen, 2020-2021 Bar Examinations Committee Chairperson para marekunsider ang kanyang report sa kauna unahang digitalized at regionalized bar examinations at paglalabas ng resulta nito.
Ipinabatid pa Ni Hosaka na itinakda naman sa May 2 ang oath taking ng mga bagong abogado bagama’t i a anunsyo na lamang aniya nila ang eksaktong oras, venue at iba pang detalye hinggil dito.
Ang nasabing bar examinations na isinagawa nitong nakalipas na February 4 at 6 ay nakapagtala rin ng 96.5% turn out o halos 12K law graduates na pinakamataas sa gitna ng COVID-19 pandemic. – ulat mula kay Bert Mozo (Patrol 3), sa panulat ni Judith Estrada-Larino