Isang panibagong sub-type ng COVID-19 ang nadiskubre sa China.
Bagaman wala pang pangalan, kakaiba umano ang virus sa lahat ng kasalukuyang COVID-19 variant sa China pero tila nagmula ito sa BA.1.1 na Omicron.
Isinumite na ng China ang virus sa Global Initiative on Sharing All Influenza Data upang pag-aralan ng mga siyentista at eksperto at makapaglatag ng mga hakbang para mapigilan ang pagkalat nito.
Natuklasan ng mga eksperto sa China na dala-dala ang virus ng isang pasyenteng may mild COVID-19 sa Dalian City at kasama ito sa 13K nagpositibo sa sakit.
Hindi pa matiyak kung ilan na ang tinamaan ng bagong sub-type kasabay ng patuloy na paglobo muli ng kaso ng COVID-19 sa China, kabilang na ang mga pinakamalalaking lungsod tulad ng Beijing at Shanghai.