Binabalak ng pamahalaan ang muling pagsasagawa ng special vaccination days pagkatapos ng Holy Week o Semana Santa.
Ito, ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, kasunod ng mababang vaccination turn-out sa ilang lugar sa bansa kabilang ang rehiyon ng IV-B, V, VII, VIII at IX.
Aniya, talagang nahihirapan sila sa BARMM dahil hanggang ngayon ay nasa 27% pa lamang ang bilang ng mga fully vaccinated habang 57% naman sa Region XII.
Samantala, pinuri naman ni Cabotaje ang Metro Manila dahil nangunguna pa rin ito sa may pinakamaraming nabakunahan, lalung-lalo na pagdating sa pagtuturok ng booster dose. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)