Binaha ang maraming lugar sa bansa dahil sa matinding pag ulan dulot ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) at Low Pressure Area (LPA) sa Southeast ng Davao City.
Sa Sarangani Province, halos zero visibility sa mga bayan ng Maasin at Maitum dahil sa matinding pag-ulan at kailangang mag dahan-dahan ang mga motorista para iwas aksidente.
Sa bayan naman ng Alabel, kabilang sa mga binaha ang ilang kabahayan sa Barangay Ladol kung saan ini-evacuate na ang mga residente.
Binaha rin ng hanggang dibdib ang Barangay Kawas gayundin ang National Highway, samantalang stranded ang maraming motorista sa munisipalidad ng Malapatan dahil sa matinding pagbaha.
Ayon sa mga otoridad, hanggang beywang at pumasok na sa ilang bahay ang tubig baha sa Compostela, Davao De Oro kung saan tag-hirap ang pag evacuate dahil mayruon lugar ang hanggang leeg ang baha.
Ibinabala naman ng mga otoridad ang landslides sa Barangay Saud sa San Ricardo, Southern Leyte dahil pa rin sa matinding pag-ulan.
Hindi na rin nangisda ang mga residente sa Casiguran, Aurora para makaiwas sa sakuna dulot ng malakas na buhos ng ulan.