Pinaalalahanan ni Acting Environment Secretary Jim Sampulna ang mga kandidato at kanilang mga taga-suporta na isaalang-alang ang kapaligiran habang nangangampanya para sa May 2022 elections.
Ito, anya, ay upang maprotektahan o mapangalagaan ang kapaligiran.
Inihayag ito ni Sampulna matapos makatanggap ng ulat na gumagamit ng paputok at nagpapalipad ng lobo sa Political rallies ang ilang kandidato.
Ang pagpapalipad ng lobo dahil sa oras na mawalan ng hangin ay posibleng bumagsak ito sa karagatan at magsilbing marine litter o basura.
Binubuo ang marine litter ng iba’t ibang materyales at karamihan dito ay mga plastic, tulad ng lobo, bag, sachet, wrapper, bote at iba pa.