Tinatayang 20 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad sa Cabanatuan City, Nueva Ecijia.
Ayon kay Nueva Ecija Police Provincial, Director Col. Jess Mendez, dalawang babaeng suspek mula sa Cavite ang inaresto sa buy-bust operation sa isang subdivision sa Barangay Sumacab Este.
Limang beses na umurong ang mga suspek sa transaksyon bago sila nasakote.
Nasa tatlong kilo ang bigat ng nasabat na droga na pawang high-grade at maaaring i-deliver sa ibang mga probinsya.