Posibleng maging maulan ang Semana Santa sa susunod na linggo.
Ito ayon sa PAGASA ay dahil sa pagpasok ng isang bagyo na mino-monitor nila ngayong nasa mahigit 200,000 kilometro Silangan ng Mindanao.
Sinabi ng PAGASA na inaasahang papasok sa Lunes ang nasabing tropical depression na kapag naging bagyo ay tatawaging ‘Agaton’.
Samantala, dapat pa ring asahan ang maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog ngayong Huwebes sa Visayas, Mindanao, MIMAROPA, Bicol at lalawigan ng Quezon dahil sa Low Pressure Area (LPA) na nakapaloob sa Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).