Patuloy parin na mararanasan ang makulimlim na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Luzon area partikular na sa Bicol region at Mimaropa kasama na ang Quezon Province.
Asahan ang mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR) at Aurora habang makakaranas naman ng maaliwalas na panahon ang Central Luzon, Metro Manila kasama na ang Calabarzon maliban nalang sa mga isolated rain showers o thunder storm.
Magiging maaliwalas din ang panahon sa nalalabing bahagi ng Northern Luzon na may mga mahihinang pag-ulan.
Pinag iingat naman ng pagasa ang publiko sa mga nararanasang kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat lalo na sa visayas at Mindanao na nakaranas na ng mga pagbaha dahil patuloy parin ang pag-ulan sa mga susunod pa na araw.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25 hanggang 32 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:47 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:09 ng hapon. – sa panulat ni Angelica Doctolero