Magpapadala ang US sa Ukraine ng 100 million dollars na halaga ng anti-armor weapons bilang dagdag na armas laban sa Russia.
Layunin nitong maparami ang shoulder launched missiles ng ukrainian military forces upang madepensahan ang kanilang bansa.
Ayon kay Pentagon Press Spokesman Secretary John Kirby ng State department, nasa 300 million dollars ang military assistance na inilaan ng US bunsod narin ng pananakop ng Russia sa Ukraine. - sa panulat ni Angelica Doctolero