Tiniyak ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año ang kanilang pagsuporta sa Commission on Elections (COMELEC) sa paghihigpit nito sa health protocols bago, habang at matapos ang Halalan.
Ito’y matapos maglatag ng plano si COMELEC New Normal Committee Chairperson, Commissioner Aimee Torrefranca – Neri kung paano maiiwasan ang superspreder event ng COVID-19 sa pagdaraos ng Halalan sa Mayo 9.
Kabilang dito ang pagsasagwa ng pubic simulation ng botohan sa isang isolation polling place na siyang gagamitin sakaling magpakita ng sintomas ng COVID-19 ang botante.
Gayundin ang pagbuo ng sariling medical advisory board ng COMELEC at ang pakikipag-ugnayan nito sa mga health group para maglatag ng medical help desk na siyang tutugon kapag may health related issues sa araw ng eleksyon.
Ayon kay Año, mahalagang masunod pa rin ang minimum public health and safety standards upang maiwasang sumipa muli ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 dahilan sa pagdaraos ng Halalan. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)