Inihayag ng isang eksperto na mahina ang naging pagbabakuna kontra COVID-19 ng pamahalaan.
Sinabi ni Dr. Jamie Dasmariñas, Physician Representative ng Bantay Bakuna, na hindi sapat ang data transparency ng pamahalaan pagdating sa Vaccination program nito dahil sa wala itong real-time numbers.
Kahit paulit-ulit na aniya ang idinaraos na “National Vaccination Day” ay hindi na rin umano nakamit ang 60% ng target population ng mga mababakunahan laban sa nakahahawang sakit.
Kaugnay nito, ipinayo ni Dasmariñas na dapat na pagtuunang pansin na mailapit sa tao ang pagbabakuna at matugunan ang anomang potensyal na pang-aabuso sa mga serbisyong mayroon ang platform.