Walang inaasahang taas singil sa toll fee sa mga expressway ngayong papalapit na Semana Santa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Toll Regulatory Board Spokesperson Julius Corpuz, na hindi angkop na magpataw ng karagdagang singil lalo’t mayroon pa ring pandemya at mataas ang presyo ng langis at mga bilihin.
Samantala, hinimok naman ni Corpuz ang mga motorista na gumamit ng Radio Frequency Identification (RFID) para sa mabilis na transaksyon.