Naitala na mas maraming batang botante kumpara sa nasa ibang henerasyon na inaasahang lalahok sa May elections.
Batay sa datos, nasa 56% ng mga botante ay mula sa hanay ng 24 hanggang 41 years old o millenials at edad 18 hanggang 25 years old o Gen Z.
Sa nasabing bilang nasa 23.9 million ay mga millenial habang 13 million naman ang nasa Gen Z.
Habang 16.7 million naman ang kabuuang bilang ng mga rehistradong botante na mula sa hanay ng edad 42 hanggang 57 years old o Gen X.
Ang mga baby boomer, silent generation, at greatest generation ang may pinakamababang bilang na nasa 11.9 million.
Ayon sa Comelec, ang pagtaas sa bilang ay dahil sa mga first-time voters na nasa 7 milyon.