Isinailalim na State of Calamity ang Davao De Oro kasunod ng pinsalang idinulot ng Low Pressure Area (LPA) sa mga ari-arian at sektor ng agrikultura.
Batay sa Resolution No. 1813-2022, nagdeklara ang sangguniang panlalawigan ng State of Calamity upang mapabilis ang paghahatid ng serbisyo sa mga naapektuhan.
Base sa initial assessment ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council’s Rapid Damage Assessment and Need Analysis o PDRRMC-RDANA, matindi ang epekto ng LPA sa mga kapabahayan , imprastraktura, kabuhayan , pananim, agricultural products at linya ng kuryente.
Samantala, isa pang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayan ng PAGASA na huling namataan sa Silangan ng Mindanao.