Nasa mahigit 2,000 mga foreign tourist ang naitalang dumating sa bansa mula nang buksan ang border sa lahat ng international travelers noong April 1.
Sinabi ni tourism secretary Berna Romulo-Puyat, nasa 202,700 na mga turista ang bumisita sa bansa hanggang noong April 7.
Batay sa datos ng One Health Pass (OHP), pinakamaraming foreign arrivals ay mula sa usa sinundan ng Canada, United Kingdom, South Korea at Australia.
Aniya, nagpatupad din ang bansa ng pinakamaluwag na travel restrictions alinsunod pa rin sa guidelines ng Inter-Agency Task Force.
Nakasaad dito na ang mga turista ay dapat na sumailalim sa rapid antigen test bilang entry requirement pero dapat ito ay ginawa sa healthcare facility, laboratory, clinic, o pharmacy.
Maliban dito, kinikilala na rin ng bansa ang national COVID-19 vaccination certificates ng mga bansang Mexico, Pakistan, Slovak Republic at Bangladesh.