Isinagawa na ng tracker team ang follow up operations para sa agarang pagkakilanlan ng mga suspek sa nangyaring pananambang sa isang Chinese national sa P. Burgos sa Maynila.
Kinilala ang lalaking biktima na si sy Kim Lok, 50-anyos, isang negosyante at nakatira sa Valenzuela City.
Nakaligtas naman ang sakay nito na si Dexter Tan, 43-anyos, Filipino at residente sa noble place condominium, Juan Luna Street sa Binondo, Manila.
Sa ngayon, patuloy na inoobserbahan sa ospital ang negosyanteng Chinese national.
Sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ng Toyota Fortuner ang biktima kasama si Tan nang may huminto na motorsiklo sa kanilang harapan hanggang sa makarinig ng mga putok ng baril.
Tumakas ang mga suspek patungong southbound ng Lagusnilad, Taft Avenue, Ermita, Manila. – sa panulat ni Abby Malanday