Binago na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang full-year growth rate ng bansa sa 5.7%.
Mula ito sa inisyal na estimate na nasa 5.6% na unang sinabi ng PSA noong Enero 2022.
Dahil dito, makikitang maganda na ang performance ng Pilipinas kumpara sa inisyal na estimate noong 2021.
Ang pagbabago ay dahil na rin sa mataas na estimate sa fourth-quarter growth rate ng bansa na pumalo sa 7.8% mula sa preliminary estimate na 7.7%.
Una na ring sinabi ng Asian Development Bank (ADB) na ang Gross Domestic Product (GDP) growth ng bansa ay inaasahang mag-aaverage sa 6% ngayong taon at 6.3% naman sa susunod na taon. —sa panulat ni Abby Malanday