Nagsampa ng reklamo ang executive ng Pharmally na si Mohit Dargani Laban sa isang huwes ng Court of Appeals (CA).
Dahil ito sa umano’y hindi nararapat na pagkaantala sa pagresolba ng kanyang petisyon, na kumukuwestiyon sa gitna ng isyu ng pagbili ng gobyerno ng mga kagamitan sa gitna ng pagtugon sa COVID-19.
Sa nasabing reklamo, hinimok ang Judicial Integrity Board, na magpataw ng Administrative Sanctions kay CA Associate Justice Apolinario Bruselas Jr.
Nilabag kasi ng mahistrado ang New Code of Judicial Conduct for the Philippine Judiciary, na mabuting pagganap ng kanilang tungkulin.
Si Dargani at ang kapwa opisyal ng Pharmally na si Linconn Ong ay inilipat sa Pasay City Jail noong Nobyembre 2021, matapos silang i-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa pagtanggi na sagutin ang mga tanong.
Bahagyang nalutas ang usapin noong Marso 1 nang i-dismiss ng CA ang pakiusap ni Twinkle para sa pagiging Moot and Academic dahil pinalaya siya mula sa detensyon para sa humanitarian reasons noong Enero 11. —sa panulat ni Abby Malanday