Inaasahan na ng Baguio City ang maraming turistang darating sa lugar upang gugulin ang Holy Week break sa susunod na linggo.
Ayon kay Aloysius Mapalo, City Tourism Officer ng Baguio City, nasa 80,000 naaprubang travel registration ang kanilang naitala simula April 8 hanggang 17 na tataas para sa mga susunod na araw.
Pinakamalaking rehistrasyon ang naitala sa darating na April 14 kung saan nasa 19,342 na ang nakapagrehistro. —sa panulat ni Abby Malanday