Pawang sumang-ayon sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping na mag-exert ng efforts sa kani-kanilang bansa, upang mapigil ang anumang hidwaan at magtulungan na lamang para sa pinag-aagawang South China Sea.
Sa inilabas na pahayag ng Malakanyang kahapon, kasunod ng ginawang telephone summit, kinilala ng dalawang pangulo ang commitment ng bawat isa at ipagpatuloy ang diplomatic engagement.
Ito ay upang patuloy na magkaroon ng kapayapaan, progreso at prosperidad sa buong rehiyon.
Maliban sa isyu sa West Philippine Sea, pinag-usapan din ng dalawang lider ang COVID-19 pandemic, bilateral trade, “Build, Build, Build” Infrastructure Program ng administrasyong Duterte, kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia at ang climate change.
Inilarawan naman ng Malakanyang ang pulong na tumagal ng isang oras bilang ‘bukas, mainit at positibo’. —sa panulat ni Abby Malanday