Nagbabala si National Task Force o NTF against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa sa posibleng surge sa kaso ng COVID-19 sa susunod na dalawang buwan.
Ito aniya ay dahil sa malalaking kaganapan tulad ng Halalan, Ramadan at mahal na araw.
Paliwanag pa niya na sa kabila ng pagbaba ng COVID-19 cases ay hindi imposible ang muling pagsirit ng kaso ng nasabing sakit.
Umaasa naman si Herbosa na hindi na bumalik ang mataas na bilang ng COVID-19 cases dahil sa high vaccination rate ng Metro Manila maliban na lamang sa ilang lugar na nananatiling mababa ang inoculation coverage.—sa panulat ni Airiam Sancho