Opisyal nang kinumpirma ng kapamilya star na si Andrea Brillantes na ‘in relationship’ na siya.
Sa larawang ibinahagi ng aktres, makikita siyang nakasuot ng itim na damit na may nakasulat na ‘yes’ at hawak pa ang bouquet of flowers.
May caption itong, “first time kong manood ng uaap di ko inaasahang mag kaka boyfriend pa ako. Grabe naman yun lord!”
Bagama’t hindi pinangalanan kung sino ang maswerteng lalaking nakabihag sa puso ng dalaga, ilang netizens ang nagsabing ito ang aktor at basketball player na si Ricci Rivero.
Una na ring naganap kagabi sa MOA ang proposal ni Ricci kay andrea na maging GF nito,kung saan tila pumayag ang aktres.
Nagsimula noong nakaraang buwan ang balita na nagkakamabutihan ang dalawa dahil sa jersey na may numerong 25 na suot ni Andrea sa isang Tiktok video nito. - sa panulat ni Abby Malanday
Photo courtesy: Andrea Brillantes/ Instagram Story