Pumalo na sa tatlong indibidwal ang nasawi sa lalawigan ng North Cotabato dahil sa walang -tigil na pag-ulan.
Ayon kay PDRRMO chief operations Engr. Arnulfo Villaruz, dalawa sa mga nasawi ay mula sa bayan ng Carmen na natabunan ng lupa habang naghuhukay noong gumagawa ang mga ito ng dike at mula naman sa bayan ng Banisilan ang isa matapos itong malunod habang naliligo.
Maliban dito, aabot na rin sa 15,000 pamilya ang apektado ng pagbaha bunsod ng pag-apaw ng tubig sa Liguasan Marsh.
Dalawang daang pamilya naman ang apektado sa Sitio Lumayong, Barangay Kayaga, Kabacan matapos umapaw ang tubig sa Lumayong Bridge.
Maliban dito, nababahala na rin ang ilang residente sa posibilidad ng pagtaas ng tubig sa karagatan na maaaring magresulta ng pag-apaw ng dalawang malaking ilog sa North Cotabato at Pulangi river.