Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay ng paggunita ng Semana Santa ngayong taon.
Paalala ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahigpit pa ring sundin ang ipinapatupad na miminum health protocols.
Aniya, hindi dapat kalimutan ang maayos na pagsusuot ng face mask, pag-isolate sakaling hindi maganda ang pakiramdam, maayos na airflow at pagpapabakuna kontra COVID-19.
Giit niya, dapat iwasan muna ang paghalik sa mga imahen at rebulto ng santo para hindi ito pagmulan ng hawaan ng nasabing virus.
Maliban dito, dapat din daw limitahan ang sobrang pagpepenitensya para hindi ito mauwi sa pagka-tetano at bacterial infection na dulot ng sugat.
Dagdag pa nito, kasabay ng paggunita ng mahal na araw ang pagala-ala na nasa pandemya pa rin ang bansa. – sa panulat ni Abie Aliño-Angeles