Pumalo na sa 3,347 na mga residente ang lumikas sa Cagayan de Oro at Bukidnon dahil sa bagyong Agaton habang tuloy-tuloy naman ang isinasagawang pagtulong ng local government units (LGUs) ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal.
Aniya, bago pa man pumasok ang bagyo sa Philippine Area Of Responsibility (PAR), may mga baha at pagguho ng lupa sa ilang lugar sa Mindanao dahil sa malakas na pag-ulan.
Paalala ni Timbal sa mga residente naninirahan sa landslide at flood-prone areas na sundin ang mga inilabas na advisory ng lgus, at agad na lumikas sakaling palikasin upang maiwasan ang mga aksidente.