Kumpiyansa pa rin ang Department of Tourism (DOT) na matatag pa rin ang sektor ng turismo sa bansa.
Ito ay sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos na ibinabato ngayon sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa isyu ng laglag bala scam.
Ayon kay Tourism Secretary Ramon Jimenez, mataas pa rin ang domestic at foreign tourist arrival sa bansa.
Kaugnay nito, naniniwala si Jimenez na maaabot at malalagpasan pa ang target ng pamahalaan na 10 milyong tourist arrival para sa 2015.
Batay sa tala ng DOT, koreano ang may pinakamalaking bilang ng mga turistang bumibisita sa bansa.
By Ralph Obina | Aya Yupangco (Patrol 5)