Kanselado ngayong araw ang klase sa ilang lugar sa Visayas bunsod ng masamang panahon dulot ng bagyong Agaton.
Kabilang sa mga kanseladong paaralan ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Maasin, Southern Leyte; Tacloban City; Guiuan, Eastern Samar; Cebu City; at Maripipi, Biliran.
Walang klase ang public at private sa Pre-Elementary hanggang Senior High School sa Ormoc City, Leyte.
Samantala, kinansela narin ang trabaho sa lahat ng pampubliko at pribadong establisyimento sa Maasin, Southern Leyte at Tacloban City habang wala namang pasok ang lahat ng pampublikong establisyimento sa Guiuan, Eastern Samar; Cebu City; at Biliran, Biliran.
Nabatid na itinaas ng PAGASA sa signal number 1 at 2 ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao bunsod ng bagyong Agaton. —sa panulat ni Angelica Doctolero