Kumpiyansa si Governor Leopoldo Dominico Petilla na mananalo sa Leyte si partido federal ng Pilipinas Standard-Bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. dahil tiyak na makakakuha ito ng 70 hanggang 80% ng boto mula sa kanyang lalawigan.
Ibinahagi ni Petilla na ilang linggo na silang nakikipagkita sa mga residente at mga barangay officials sa iba’t-ibang bayan at siyudad upang ipakilala si Marcos.
Ang iba’t ibang local government officials anya sa Leyte, mula sa first hanggang fifth district ay inendorso na si Marcos sa ginanap na “meet & greet” sa mga incumbent at aspirants para sa iba’t-ibang posisyon sa ilalim ng PDP-Laban kung saan si dating Energy Secretary Jericho Petilla ang gubernatorial candidate.
Dumalo rin sa pagpupulong ang mga ABC presidents mula sa mga bayan at lungsod.
Sumang-ayon naman si San Miguel Mayor Chekay Esperas, isang two-term mayor at one-term Councilor, sa sinabi ng Incumbent Governor na kanilang sinusuportahan si Marcos dahil siya ay nanggagaling din sa kanilang probinsya.
Samantala, nagpahayag din ng suporta sa BBM-SARA UniTeam sina Baybay Mayor Jose Carlos Cari, Congresswoman Lolita Javier, former Cong. Sandy Javier, at Vice Governor Carlo Loreto.