Kasabay ng pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa ay ang pagbaba ng bilang ng mga lugar na isinasailalim sa granular lockdown.
Batay sa datos ng PNP Command Center, nasa 3 Barangay sa 3 bayan na lamang sa Cordillera Administrative Region ang nakapailalim sa granular lockdown.
Katumbas ito ng 3 kabahayan na binubuo ng 6 katao na mayruon pang kumpirmadong kaso ng virus.
Habang sa Metro Manila naman, ipinabatid ng PNP na wala na silang naitalang lugar na nakapailalim sa granular lockdown.
Gayunman, patuloy ang panawagan ng PNP sa publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health and safety standards kontra COVID-19 upang maiwasan pa rin ang hawaan ng virus. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)