Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na bumababa na ang insidente ng African Swine Fever (ASF) sa bansa matapos ianunsyo ang outbreak nito noong 2019.
Batay sa datos ng DA hanggang nitong Marso 31, naitala na lamang ang aktibong kaso ng ASF sa 2 Rehiyon, 4 na Lalawigan, 7 Munisipalidad at 20 Barangay.
Malaki ang ibinaba ng bilang ng ASF kung ikukumpara ito noong 2019, kung saan kumalat ito sa 3,657 mga barangay mula sa 679 siyudad at Munisipalidad, na matatagpuan sa 51 probinsya.
Sinabi naman ni DA Sec. William Dar na may dumating na mga bagong bakuna laban ASF na ngayon ay isinasailalim sa pagsusuri.
Maganda aniya ang unang resulta ng vaccine trials, ngunit hindi nito isiniwalat kung anong kumpanya ang lumikha sa naturang bakuna.
Ayon pa sa kalihim, irerekomenda nila sa susunod na administrasyon ang malawakang pagbabakuna sa mga apektadong baboy kung magiging positibo ang resulta ng ikalawang bahagi ng vaccine trial.