Hindi na muna bibili ng bakuna kontra COVID-19 ang Pilipinas mula sa ibang bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), magsasagawa sila ng streamlining sa listahan ng mga natitirang bakuna, kung saan dalawa hanggang tatlong brand na lamang ang matitira.
Nabatid na sa tanong kung hihimukin ng DOH ang Food and Drug Administration (FDA) na tanggalin ang ilang vaccine brand mula sa Emergency Use Authorization (EUA), sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na kailangan munang matanggap ang Certificate of Product Registration (CPR).
Nangangahulugan kasing na-evaluate na ang bakuna kung mayroon nang CPR kaya desisyon na ng mga COVID-19 brands na itigil at alisin ang kanilang EUA.
Sa huling tala, ang mga bakunang mayroong EUA ay ang; Pfizer, Astrazeneca, Moderna, Janssen, Coronavac, Sputnik V, Covaxin, Sinopharm, at Covovax.