Wala pang 10% ng kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines na napasakamay ng gobyerno ang hindi na mapapakinabangan dahil sa isyu ng logistics.
Binigyang-diin ito ni health undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos pawihin ang pangamba hinggil sa milyong pisong halaga ng COVID-19 vaccines na umano’y nag-expire na o papa-expire pa lang.
Ayon kay Vergeire, sa isinagawa nilang wall to wall inventories, wala pang sampung porsyento ang nasayang hindi dahil expired na ang mga ito kundi dahil sa problema sa storage o pinaglalagyan, pamamahagi at iba pang logistical issues.
Ipinabatid ni Vergeire na nakakuha sila ng go signal mula sa Food and Drug Administration na palawigin o i-extend ang shelf life ng mga bakunang papa-expire na.
Una nang inihayag ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na nasa 27 million shots na kinuha ng gobyerno ang mapapaso na sa Hulyo.