Handa na ang halos 3,000 mga tauhan ng Manila Electric Company (MERALCO) para sa nalalapit na Halalan 2022 sa Mayo a-9.
Ayon kay MERALCO 1st Vice President at Chief Commercial Officer Ferdie Geluz, magpaptupad sila ng round the clock operations mula sa halalan hanggang maiproklama na ang mga bagong halal na opisyal.
Nakastand-by na aniya ang may 2,700 nilang network personnel na nakaduty sa mismong araw ng halalan kasama ang ibang business center employees.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Geluz na 100 porsyento na rin nilang nainspeksyon ang may 2,773 polling centers, 119 canvassing centers at 13 iba pang vital election sites.
Kumpyansa naman ang MERALCO na sapat ang suplay ng kuryente pagdating bago, habang at matapos idaos ang Halalan sabay pagtitiyak na hindi magkakaroon ng brownout.