Nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng may 20 bilang ng mga nasawi habang 6 naman ang sugatan.
Ito’y matapos ang nangyaraing landslide sa Baybay City sa Leyte sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Agaton kahapon.
Ayon kay Police Regional Office 8 Director, P/BGen. Bernard Banac, 14 sa mga biktima ay mula sa Brgy. Mailhi, 3 sa Brgy. Katangos at 1 mula sa Brgy. Bunga.
Maliban dito, sinabi ni Banac na mayruon pang 2 labi na nauna nilang nakuha sa isinagawang search, rescue and retrival operations.
Maliban sa nangyaring pagguho ng lupa ay nakaranas din ng matinding pagbaha ang nasabing bayan matapos na manalasa ang bagyo. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)