Nakafull-allert na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) bilang paghahanda sa seguridad sa Mahal na Araw.
Inatasan ni NCRPO Chief, Maj. Gen. Felipe Natividad ang Manila Police District, Quezon City Police District, Northern Police District, Southern Police District, at Eastern Police District na tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng Semana Santa.
Kabilang sa mga babantayan ng mga otoridad ang mga Shopping Mall, mga Simbahan, mga vital installations katulad ng Bus Terminal, paliparan at daungan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.
Ayon kay Natividad, layunin ng kanilang ahensya na maiwasan din ang ibat-ibang uri ng krimen ngayong Semana Santa. — sa panulat ni Angelica Doctolero