Patuloy na dumaragsa sa mga pantalan ang mga pasaherong uuwing probinsya kaugnay sa paggunita ng Semana Santa.
Kabilang sa mga pasahero ay mga uuwi ng Romblon at Occidental Mindoro kung saan, inaasahan na mas daragsa pa ang bilang ng mga bibiyahe matapos luwagan ang restriksiyon sa bansa.
Ayon sa pamunuan ng Batangas Port, posibleng pumalo sa 15K ang mga pasaherong bibiyahe ngayong Semana Santa.
Samantala, nagbabala naman ng Batangas Port sa mga pasahero na alamin muna ang sitwasyon ng mga lugar na kanilang pupuntahan upang maiwasang ma-stranded. — sa panulat ni Angelica Doctolero