Sa kauna-unahang pagkakataon simula nang tamaan ng COVID-19 pandemic ang bansa, pinayagan na rin ng Mabalacat City Government sa Pampanga ang pagsasagawa ng Lenten Rites at Liturgical Activities ngayong Semana Santa.
Ayon kay Mabalacat Mayor Cris Garbo, ikinunsidera na nila ang pagluluwag ng COVID restrictions dahil sa kawalan ng mga bagong infections sa nakalipas na mahigit isang linggo kaya’t pinayagan na ang mga tradisyunal na aktibidad.
Kilala ang nasabing lungsod sa kaliwa’t kanang Holy Week Activities, gaya ng pag-pe-penitensya, pabasa, via crucis o way of the cross at visita iglesia.
Inabisuhan naman ni Garbo ang mga residente na panatilihin ang pagtalima sa minimum health protocols dahil hindi pa tuluyang nawawala ang banda ng COVID-19.