Mainam na mayroong booster shot kontra COVID-19 ang mga lalahok sa mga prusisyon ngayong Semana Santa.
Paliwanag ni Dr. Rontgene Solante, isang Infectious Disease Expert, mapanganib lalo sa mga senior citizen, kung wala pang dagdag na proteksyon laban sa virus.
Sinabi naman ni Dr. Maricar Limpin, Pangulo ng Philippine College of Physicians, kung nais sumama sa prusisyon ngunit hindi pa nakakatanggap ng booster dose, ay dapat na magsuot ng facemask at lumayo sa kumpulan ng mga tao.
Pinayuhan rin ni Limpin ang mga bakasyunista na iwasang kumain sa loob ng sasakyan at isuot ng maayos ang face mask upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.