Umakyat na sa 41 pantalan sa bansa ang nagsuspinde ng operasyon dahil sa sama ng panahon.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), apektado nito ang; 8,706 pasahero; 2,524 rolling cargoes; 21 vessels at isang motorbanca.
Nasa 162 klase sa paaralan naman at 115 pasok sa trabaho ang sinuspinde dahil sa bagyong Agaton.
Sa pinakahuling ulat, nasa 13 siyudad at munisipalidad na ang isinailalim sa State of Calamity dahil sa bagyo.
Kinabibilangan ito ng; Cateel sa Davao Oriental, Trento sa Davao del Sur at nalalabing probinsya ng Davao De Oro. —sa panulat ni Abby Malanday